Binuksan na ng Commission on Elections ang bidding para sa mahigit 97,000 baterya na gagamitin sa mga biniling vote counting machines mula sa Smartmatic para sa 2019 elections.
Ayon sa COMELEC , naglaan sila ng halos 157,000 pondo para sa mga nasabing uupahang mga baterya.
Bukod sa mga external batteries , naghahanap na rin ang COMELEC ng supplier para sa mahigit 104,000 secure digital o SD card at 104,000 ding mga worm SD card.
Binuksan na rin ng poll body ang bidding para sa mahigit isang milyong suplay ng ‘thermal paper’ na may nakalaang mahigit 117 Milyong Pisong pondo.
Itinakda ng bids and awards committee ng ahensya ang deadline para sa pagsusumite ng bid documents hanggang sa ika – dalawa ng Hulyo ng taong kasalukuyan.