Nakatakdang magkasa ng tinatawag na “Hindipendence” rally ang mga militanteng grupo kasabay ng paggunita ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12.
Ito ay upang ipanawagan ang kanilang pagkontra sa ipinatutupad na TRAIN Law, anila’y pag-atake sa kalayaan at integridad ng hudikatura, charter change at malaswang ugali ni Pangulong Duterte.
Nagsisimula ang kilos protesta dakong alas-3:00 ng hapon ng Hunyo 12 sa pagmamartsa ng iba’t ibang grupo sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.
Kabilang sa mga grupong makikilahok sa ‘Hindipendence’ rally ang #Babae Ako, Girls for Peace, Youth Act Now Against Tyranny, Gabriela, Bayan Democratic Alliance Movement of the Philippines, Rise Up at Sentro.
—-