Pasok ang Pilipinas sa ten worst countries kaugnay sa pagkilala ng mga karapatan ng mga manggagawa.
Ayon sa Global Rights Index 2018 ng ITUC o International Trade Union Confederation, bukod sa Pilipinas, kasama sa listahan ang Algeria, Bangladesh, Cambodia, Colombia, Egypt, Guatemala, Kazakhstan, Saudi Arabia at Turkey.
Ipinabatid ng ITUC na ang mga manggagawa sa Pilipinas ay asahan nang makakaranas ng karahasan bukod pa sa pananakot at pagganti.
Nanawagan din ang grupo sa Pilipinas dahil sa mga mapagganting batas nito.
Tinukoy pa ng ITUC na tila bumagsak na kondisyon sa Asia Pacific matapos tumaas ang bilang ng karahasan, criminalization ng karapatan sa strike at pagtaas sa pag-aresto, detention at pagpapakulong sa mga labor activists at trade union leaders.
Ang lahat anito ng dalawampu’t dalawang (22) bansa sa rehiyon ay lumalabas sa collective bargaining at sa karapatang mag-strike.
Isinama ng ITUC sa Global Rights Index 2018 ang isandaan at apat napu’t dalawang (142) bansa gamit ang siyam napu’t pitong (97) indicator para i-assess ang mga karapatan ng mga manggagawa na dapat ay pinoprotektahan ng batas.
—-