Sumuko ang tatlong (3) miyembro ng New People’s Army (NPA) sa 27th Infantry Battalion sa Barangay Maan, T’boli, South Cotabato.
Kinilala ang mga sumukong rebelde na sina Rolly Bab Varonia, Rustom Milog Wanday at Dennis Munday Jamora.
Ayon kay Lt. Col. Jones Brisal Otida, commander ng naturang batalyon, iba’t ibang paraan ang ginagawa ng NPA upang makahikayat ng mga sasapi sa kanilang samahan.
Tulad na lamang umano ng kwento ng isang sumuko na sila ay pinangakuan ng NPA na susuportahan pinansyal kapag sila ay umanib sa grupo ngunit ilang buwan na ang nakalipas ay wala pa rin silang natatanggap na tulong.
Samantala, nakahanda naman ang pamahalaan para pagkalooban ang tatlong rebelde ng livelihood assistance upang makapagsimula muli ng bagong buhay.
—-