Binigyang diin ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na wala siyang pangarap maging senador.
Ayon kay Go, ito ay kahit nangako si Pangulong Rodrigo Duterte ng suporta kung sakaling mapag-desisyunan niyang tumakbo sa susunod na taon.
Sinabi ni Go na kaniya lamang ginagawa ang kaniyang trabaho at sinusunod kung anoman ang ipinag-uutos ng Pangulo dahil sa kaniyang “loyalty” dito.
Naniniwala din si Go na magulo umano ang pulitika lalo na para sa kaniya na hindi naman talaga isang pulitiko.
Magugunitang sinabi ni Pangulong Duterte sa isang talumpati sa Central Visayas na pinaala umano ni Go na huwag siyang kalimutang i-endorso sa pagka-senador.
—-