Pasok na sa finals ng French Open si Spanish tennis star Rafael Nadal.
Ito ay matapos na idispatsa ni Nadal ang kalabang si Juan Martin Del Potro ng Argentina sa semifinals.
Nangibabaw ang kasalukuyang world number one na kinailangan ng dalawang oras para talunin si Del Potro sa iskor na 6-4, 6-1 at 6-2.
Si Nadal ay siyang pangalawang tennis player sunod kay Roger Federer na umabot sa labing isang (11) finals ng parehas na grand slam.
Makakaharap naman sa finals ni Nadal si Dominic Thiem ng Austria sa darating na linggo.
—-