Nanguna ang Calabarzon sa may pinakamaraming insidente ng riding in tandem sa bansa.
Batay sa datos ng Philippine National Police – Directorate for Investigation and Detective Management o DIDM, mula October 11 hanggang June 4, nakapagtala ang Calabarzon ng 135 riding in tandem incidents.
Sinundan ng Central Visayas na may 110 at Metro Manila na may 107.
Ayon kay Police Director Elmo Sarona, Hepe ng DIDM, base sa kanilang intelligence, maraming criminal gangs sa Calabarzon.
Nanguna naman ang Soccsksargen o Central Mindanao sa may pinakamaraming naresolbang kaso ng riding in tandem.
Sa 83 insidente na naiatala sa kanilang lugar 51 ang naresolba nila.
Central Luzon naman ang may pinakamababang crime solution efficiency kung saan sa lahat ng hawak nilang kaso ng riding in tandem, 7.02% lang ang kanilang naresolba.
—-