Nadakip ng Bureau of Immigration ang isang Norwegian National na wanted sa kasong pagpatay sa kaniyang kapatid noong October 2016 sa Oslo, Norway
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, naaresto si Helge Stensland, 52 taong gulang, ng BI-Fugitive Search Unit nuong June 6, 2018 sa bahay nito sa Sta. Cruz, Laguna.
Dagdag pa ni Morente, nahatulan na ng Korte sa Norway ang suspek ng Pitong taong pagkabilanggo para sa kasong homicide.
Ngunit tatlong buwan matapos siyang mahatulan ay nakabiyahe pa patungong Pilipinas nuong nakaraang Abril ang naturang dayuhan.
Nabatid na kasal sa isang Pilipina at mayroong dalawang anak si Stensland kaya ito nakakapagpa-balik-balik sa bansa sa nakalipas na dalawang dekada.