Aabot sa 120.36 na milyong pisong halaga ng shabu mula sa California ang nasabat ng Bureau of Customs sa Clark Freeport Zone sa Pampanga.
Ayon sa BOC, itinago ang mahigit 17 kilo ng naturang shabu sa loob ng mga ‘parcels’ na idineklarang mga upuan at ‘bar stools’.
Nakapangalan ang nasabing shipment kina Christian Santillan Frias, Robert Alejandro Nazareno, Dominic Espinosa Gallardo at Gina Fernandez Santiago.
Hinala ng BOC, mayroong gumagalaw na isang international drug syndicate para magpasok ng illegal na droga sa bansa.
Kamakailan lang ay may nasabat din na illegal na droga sa Clark Freeport Zone na nanggaling sa California at itinago sa mga ‘furnitures’.
—-