Kinasuhan ng qatar sa United Nations International Court of Justice ang UAE o United Arab Emirates ng paglabag sa karapatang pantao at diskriminasyon.
Ayon sa Qatar Foreign Ministry, maraming pamilya na ang nagkawatak-watak dahil sa mga hindi makatarungang batas na ipinatutupad ng UAE laban sa kanilang mamamayan.
Matatandaan na noong nakaraang taon, pinutol ng UAE kasama ng Saudi Arabia at Bahrain ang kanilang ugnayan sa Qatar na inakusahan nilang sumusuporta sa terorismo.
Nagresulta ito sa pagbabawal sa Qatar Airlines na magamit ang kanilang airspace at pagpapatalsik sa mga Qatari nationals mula sa kanilang teritoryo.
—-