Kasabay ng pagdiriwang ng Independence Day kahapon nagtipon-tipon ang mga kritiko at taga-oposisyon sa general assembly ng Tindig Pilipinas na ginanap sa Bahay ng Alumni sa University of the Philippines, Diliman.
Dinaluhan ang naturang event ng mga senador na sina Bam Aquino, Antonio Trillanes IV, Risa Hontiveros at Magdalo Party-list Representative Gary Alejano.
Present din ang mga kilalang kritiko ng Duterte administration na sina Leah Navarro ng Black and White Movement, Jim Paredes, mga dating cabinet members ng Aquino government na sina dating OPAPP Secretary Ging Deles at dating DSWD Secretary Dinky Soliman.
Di rin nawala sa pagtitipon ang iba pang miyembro ng Liberal Party at mga taga-Akbayan.
Binatikos ng grupo ang pagtugon ng pamahalaan sa iba’t ibang isyu gaya ng usapin ng soberenya, war on drugs,TRAIN Law, peace and order at judicial independence.
Samantala, nagtungo rin sa pagtitipon kontra sa Duterte administration si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Binanatan ni Sereno ang relasyon ngayon ng Pilipinas at China at muling inungkat ang pagkakaalis niya sa puwesto.
—-