Siyam na araw nang nakatengga sa Subic, Zambales ang inangkat na bigas ng pamahalaan mula sa Vietnam at Thailand.
Ayon kay National Food Authority o NFA Spokesman Rex Estoperez, dahil pa rin sa sama ng panahon ay hindi maidiskarga ang mga bigas na nasa mga barko sa Subic.
Sinab ng opisyal, oras na sumikat ang araw ay uunahin nilang bagsakan ng bigas ang mga urban center para mag-stabilize ang presyo at suplay ng bigas sa mga pamilihan.
Matatandaang umangkat ang pamahalaan ng mga bigas para punan ang nasimot na suplay ng NFA rice.
—-