Positibo si Senador Koko Pimentel na matutupad na ang ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabigyan ng libreng serbisyo ng internet ang mga Pilipino.
Ito’y sa harap ng nabuong kasunduan sa pagitan ng Department of Information and Communications Technology o DICT, National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at National Transmission Corporation para sa paggamit ng dark fiber.
Ibig sabihin, maaari nang pakinabangan ang mga hindi nagamit na bahagi ng fiber optics ng mga transmission grid na siyang magbubukas ng linya sa pagitan ng mga negosyante at konsyumer.
Bagama’t hindi sinasadya ng gobyerno na maging ka-kumpetensya ng mga higanteng telco sa bansa, naniniwala naman si Pimentel na magiging daan ito para mapababa ang presyo ng bilihin at magkaroon ng mas magandang serbisyo.
—-