Sinibak ang dalawampu’t apat (24) na chief of police sa Region-4B o Mimaropa o Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan.
Kasunod ito ng rekomendasyon ng oversight committee ng PNP na inaprubahan ni PRO-4 Director Chief Superintendent Emmanuel Licup dahil sa bigong performance ng mga nasabing police officials sa anti-illegal drugs campaign.
Ayon sa record, mababa samantalang ang iba ay zero accomplishment sa anti-drugs war mula December 5, 2017 hanggang May 31, 2018.
Ang mga nasibak na chief of police ay mula sa munisipalidad ng Bongabong, Bulalacao, San Teodoro at Mansalay sa Oriental Mindoro bukod pa sa mga nagmula sa Looc, Lubang, Calintaan, Paluan at Abra de Ilog sa Occidental Mindoro.
Samantala sa Palawan, nasibak ang mga hepe ng pulisya sa Aborlan, Agutaya, Balabac, bataraza, Brooke’s Point, Culion, Linapacan at Quezon mula sa Irawan sa Puerto Princesa at Sta. Cruz sa Marinduque.
Binalaan ni Licup ang mga mahigit limampu pang chief of police at OIC na triplehin ang trabaho sa anti-criminality operations partikular sa war on drugs.
—-