Pumalag ang Malakaniyang sa tila paninisi ng ilang obispo kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagpatay sa ilang pari sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, walang dahilan para batikusin at i-ugnay si Pangulong Duterte sa pagkamatay ng tatlong pari.
Giit ni Roque, sa kaniyang pagkakatanda ay walang binitiwang salita ang Pangulo na nag-uudyok sa mga masasamang loob para pumatay ng mga pari.
Magugunitang tatlong pari ang pinaslang sa ilalim ng Administrasyong Duterte na kinilalang sina Father Mark Ventura, Father Tito Paez at ang kamakailan lamang na pinaslang na si Father Richmond Nilo.
Matatandang naging kritiko ang simbahang ng anti-drug war campaign ng kasalukuyang administrasyon na naging ugat ng minsay pagbanat ng pangulo sa ilang mga pari at mga obispo.