Suspendido ang operasyon sa La Aurora International Airport sa Guatamela dahil sa panibagong pagbuga ng abo ng Pacaya volcano.
Ang nasabing suspensyon ay isang linggo matapos ang naganap na pagsabog ng bulkan na ikinasawi ng mahigit isandaang (100) katao.
Ayon sa Civil Aviation ng Guatemala, aabot sa mahigit labing isang libong (11,000) talampakan ang taas ng pagbuga ng abo ng nasabing bulkan.
Pinaghahandaan din ng mga awtoridad ang posibilidad ng volcanic activities sa mga susunod na araw.
—-