Malamig ang Malacañang sa hirit na ng Department of Agriculture (DA) na halos P2 bilyong pisong supplemental budget para sa El Niño phenomenon.
Sinabi ni Prresidential Communications Secretary Sonny Coloma na may pondo pa ang DA na uubrang gamitin nito bilang paghahanda sa matinding El Niño.
Ayon kay Coloma, mahalagang makita ang kahandaan ng DA sa pag-agapay sa mga epekto ng El Niño.
By Judith Larino | Aileen Taliping (Patrol 23)