Kakasuhan ng kriminal at sibil ni presidential son Paolo Duterte si Senador Antonio Trillanes IV.
Kaugnay ito sa pagsasangkot ni Trillanes sa dating Davao City Vice Mayor sa 6.5 billion pesos na halaga ng smuggled shabu na nakalusot din sa Bureau of Customs o BOC.
Sinabi ng batang Duterte na kailangang magtanda ni Trillanes na hindi tama ang malisyosong pagwasak sa kanyang pangalan, reputasyon at integridad at sa mga gawa-gawang alegasyon nito at pagpapakalat ng black propaganda.
Magugunitang sa senate hearing, nagpakita pa si Trillanes ng litrato ng nakababatang duterte kasama si Kenneth Dong na siya umanong nagsilbing middle man sa multi-billion peso shabu scam.
Binanggit din ng senador na ang tattoo ni Paolo ay patunay na bahagi ito ng triad o isang international crime syndicate.
—-