Aabot sa 250 Milyong Pisong halaga ng mga sako-sakong smuggled na bigas galing Thailand ang nasabat ng Bureau of Customs.
Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, naghain ng import entry ang farm products corporation para sa 150 containers sa ibat ibang petsa.
Pero nang suriin ang kargamento, lumilitaw na wala pala itong permit mula sa National Food Authority.
Samantala, wala namang lumulutang na kumpanya para akuin ang 50 container na walang permit.
Kakasuhan naman ang consignee ng mga kargamento sa paglabag sa custom and Tariff Act habang naglabas na rin ang ahensya ng Warrant of Seizure and detention para mailabas ang mga nasabat nilang bigas.