Nagsampa na ng motion for reconsideration sa Korte Suprema ang Ombudsman kaugnay sa pinayagang motion to bail ni Senador Juan Ponce Enrile.
Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio Morales, isinampa nila ang MR sa pamamagitan ng registered mail dahil sarado na ang tanggapan ng Korte Suprema noong Biyernes.
Sinabi ni Morales na ibinase nila sa 3 grounds ang kanilang mosyon.
Binigyang diin ng Ombudsman na ang pagpabor ng High Tribunal sa bail plea ni Enrile ay maituturing na radical modification ng konstitusyon sa isyu nang pagsang-ayon sa bail na napagkaitan ng due process ang prosecution at taumbayan dahil kalusugan ni Enrile ang naging pangunahing batayan sa pinayagang bail plea at equal protection of the law.
By Judith Larino