Pinabulaanan ni Superintendent Cita del Gaoiran, Hepe ng Public Information Office ng PNP Police Regional Office 4-A ang ulat na sunod-sunod na pagdukot sa mga bata sa probinsiya.
Sinabi ni del Gaoiran na sa naturang mga report, 4 pa lang ang nakumpirmang nawawala subalit hindi pa matiyak kung dinukot ang mga ito.
Nakiusap din ang PNP sa publiko na iwasan ang pagpapakalat ng mga text message na hindi beripikado ang laman at makipag-ugnayan agad sa PNP sakaling may impormasyon hinggil sa mga umano’y batang nawawala.
Maaaring makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan sa pamamagitan ng pagtawag sa numerong 049-531-2293 o kaya ay sa pamamagitan ng pagpapadala ng text messages sa 0917-897-4365 / 0916-398-7627.
AUDIO: Bahagi ng panayam kay P/Supt. Cita del Gaoiran
Bishop Arguelles: Maging mapagmatyag
Samantala, pinangunahan ni Lipa Archbishop Ramon Arguelles ang pagpapadala ng text blast kaugnay sa report na mayroong mga dinudukot na bata sa probinsiya.
Hinimok ni Arguelles ang publiko lalo na ang mga magulang at school personnels na maging mapagmatyag dahil baka mabiktima ng sex o kaya ay ng organ trade ang mga bata.
Hinimok din ng arsobispo ang publiko na tiyaking alam ng mga ito ang kinaroroonan ng kanilang mga anak o kaya ay mga pamangkin sa lahat ng oras.
By Katrina Valle | Kasangga Mo Ang Langit