Nauwi sa tensyon ang ginawang pagbuwag ng pulisya sa welga ng mga nagkikilos protestang manggagawa ng pabrika ng NutriAsia sa Marilao, Bulacan.
Ayon kay Bulacan Provincial Police Office Director Senior Supt. Chito Bersaluna, pinilit sirain ng mga nagpoprotestang manggagawa ang barn wire na kanilang iniharang sa paligid ng pabrika.
Sinabi rin ni Bersaluna na nahaluan ng mga miyembro ng grupong Kadamay ang welga na nagpaulan pa mga ng bato dahilan ng pagkakasakitan ng mga pulis at raliyista.
Pinabulaanan naman ito ni Kadamay Bulacan Chapter President Beth Guerrero at iginiit na naunang nanakit ang pulisya.
Una nang humingi ng tulong ang pabrika sa pulisya para mabuwag ang picket ng mga manggagawa na nagdudulot ng pagka-antala sa kanilang operasyon.
Nag-ugat naman ang kilos protesta ng mga contractual employees ng NutriAsia para ipanawagang gawin silang regular, kakulangan ng sahod, hindi bayad na overtime pay at kawalan ng benepisyo.
Iginiit naman ng NutriAsia na hindi nila empleyado ang mga nagrally kundi contractor nila mula sa third party outsource.