Magsisimula nang mag-ikot sa iba’t ibang rehiyon ang government peace panel upang magsagawa ng konsultasyon sa peace agreement na papasukin nito sa komunistang grupo.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello lll, chairman ng government peace panel, paghahatian ng lahat ng miyembro ng panel ang pag-iikot upang mabilis na matapos ang konsultasyon at maitakda nang muli sa hulyo ang pagpapatuloy ng peace talks sa komunistang grupo.
Sinabi ni Bello na posibleng imbitahin na rin nila sa konsultasyon ang mga miyembro ng mababa at mataas na kapulungan upang magka alaman kung may kinakailangang batas para sa implementasyon ng peace agreement sakaling mapirmahan na ito.
Matatandaan na ipinag utos ng Pangulong Duterte na ipagpaliban ang nakatakda sanang pagpapatuloy ng peace talks sa komunistang grupo sa Hunyo 28 upang bigyang daan muna ang konsultasyon sa mga apektadong sektor.
Apparently, gusto ng Pangulo na matingnan din ‘yung mga existing agreement. ‘Yung ibang agreement diyan ay gusto nang mapag-aralan ng ating Pangulo at sabi nga niya, ipakita rin sa taumbayaan para maintindihan din nila lalo na ‘yung agreement on socio-economic reforms. Pahayag ni Bello
Aminado si Bello na dismayado ang kanilang counterpart sa pagkaka-antala na naman ng peace talks.
Gayunman, maluwag naman anya nila itong tinanggap at umaasang maipagpapatuloy ang pag-uusap sa Hulyo.
Nilinaw rin ni Bello na handang handa nang umuwi sa bansa si CPP founding chairman Jose Maria Sison.
And Joma Sison agreed to come. Pinag-uusapan na namin ‘yung proseso, si Prof. Joma ay nakalista by American government as terrorist, baka pag dinala dito eh biglang dadamputin. Mas excited nga siyang pumunta, but we must consider ‘yung diplomatic issue, Joma is an applicant for political asylum. Paliwanag ni Bello