Nilinaw ng Commission on Elections na hindi makauupo sa pwesto ang mga nanalong kandidato sa barangay at sangguniang kabataan elections nakabinbing petisyon para sa diskwalipikasyon at kanselasyon ng “certificate of candidacy”.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, nakatanggap sila ng ilang reklamo na may mga kandidato na “overaged” o lagpas sa itinakdang edad para sa posisyon.
Batay sa nakasaad sa section 3 ng resolusyon number 1-0-1-9-6 , ang mga maaari lamang tumakbo sa SK election ay nasa edad 18 taong gulang at hindi lalagpas ng 44 taong gulang.
Habang madidiskwalipika naman sa pagtakbo ang kandidato para sa ‘elective’ posisyon kapag ito ay tinanggal dahil sa kasong administratibo.