Ipinasasantabi ni “ousted” Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa Korte Suprema ang bantang “disbarment” laban sa kanya.
Ito ay sa harap ng ginawang paglabag ng dating punong mahistrado sa panuntunan ng Korte matapos itong makailang ulit na magkomento sa nakabinbing niyang kaso at pagbatikos sa ilang mahistrado.
Batay sa komentong inihain niya bilang tugon sa show cause order ng Korte Suprema , iginiit ni Sereno na mayruon siyang karapatang sumagot sa mga pag-atake laban sa kanya ng mga kritiko.
Dagdag pa ni Sereno , maituturing na “kawalan ng hustisya” ang bantang pag-disbar sa kanya dahil lamang sa panawagan nito para sa patas na pagdinig bilang “party-litigant”
Magugunitang pinagpapaliwanag si Sereno ng mga kapwa niya mahistrado kung bakit hindi siya dapat parusahan kasunod ng paglabag umano nito sa “Sub Judice Rule” o pagbibigay ng komento sa merito ng kinakaharap na kaso.