Patay ang isang sundalo matapos ang ginawang pang- haharaas ng mga pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army sa Silvino Lobos Sa Northern SAMAR.
Ayon kay Major Renen Mondog, executive officer ng 20th Infantry Battalion, nagsasagawa sila ng “Community Support Program” sa Barangay Senonogan de Tubang nang umatake ang nasa mahigit sampung rebelde.
Umabot sa limang minuto ang palitan ng putok sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga hinihinalang mga NPA.
Maswerte naman aniyang walang naitalang sugatan sa mga residente na naninirahan sa nasabing lugar.