Nangako ang Philippine National Police na kanilang mahigpit na ipatutupad ang mga ordinansa laban sa mga tambay batay sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nilinaw naman ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde, na ang crackdown laban sa mga tambay kabilang ang mga umiinom ng alak sa mga kalsada at mga naglalakad nang walang saplot o pang itaas ay matagal nang ginagawa ng pambansang pulisya bago pa man ipag-utos ito ni Pangulong Duterte.
Sinabi ni Albayalde na bahagi ito ng mga ordinansa lalo na sa mga lungsod sa Metro Manila.
Kaya payo ng PNP chief, kung nais uminom ng alak ay gawin na lamang ito sa loob ng bahay.