300 tambay ang nahuli ng Quezon City police sa loob ng 24 oras simula 5:00 ng umaga kahapon hanggang 5:00 ng umaga kanina.
Ayon kay QCPD Director Chief Supt. Joselito Esquivel, inaresto ang mga nabanggit na tambay dahil sa pag-inom ng alak, paninigarilyo sa pampublikong lugar at walang saplot pang itaas habang nasa kalsada, pagbibitbit ng patalim at ang iba nama’y lumabag sa Anti-Barker Law.
Batay sa datos ng QCPD, pinakamarami ang naaresto sa Talipapa Police Station na umabot sa higit 100 sinundan ng Kamuning Police Station na may higit 70 tambay na naaresto.
Sa ngayon, nakadetine pa rin ang ilang nahuling tambay sa ibat ibang police stations habang ang iba ay itinurn over naman sa mga opisyal ng barangay.