Ipamamahagi na ng gobyerno sa Hulyo ang fuel subsidy para sa mga tsuper ng jeep alinsunod ito sa TRAIN Law para pagaanin ang epekto ng dagdag na buwis sa krudo.
Ayon sa Department of Transportation, sa halip na vouchers, gagamit sila ng debit cards para ipamahagi ang fuel subsidy.
5,000 pesos ang matatanggap ng rehistradong operator ng jeep sa kada unit mas mababa sa unang plano na 26,000 pesos.
Paliwanag ng DOTr, kailangan nilang pagkasyahin ang 977 million pesos na pondo sa halos 180,000 na rehistradong jeep sa bansa.
Target naman ng ahensya na doblehin sa 2019 at 2020 ang annual fuel subsidy ng mga tsuper.