Kasabay ng pagsisimula ng trabaho ng Philippine National Police-Highway Patrol Group sa EDSA, sinimulan na rin ng senado ang pagbusisi sa epekto sa ekonomiya ng bansa ng lumalalang problema sa trapiko.
Sa hearing, hindi naman dumalo ang mga kinauukulang opisyal ng gobyerno na pangunahing responsable para pangangasiwa sa traffic.
Kabilang sa wala sa hearing ay sina Metropolitan Manila Development Authority Chairman Franciso Tolentino, Traffic Czar Sec. Rene Almendras, Department of Public Works and Highways Sec. Rogelio Singson, Department of Transportation and Communication Sec. Jun Abaya, Land Transportation Franchising and Regulatory Board Chairman Winston Gines at Department of Interior and Local Government Sec. Mar Roxas.
Ayon naman kay Sen. Jv Ejercito, ipinatawag ang pagdinig bunsod ng resolusyon na inihain ni Sen. Bam Aquino.
Sa pag-aaral, tinatayang aabot 2.4 billion pesos ang nawawala sa ating ekonomiya bawat araw dahil sa traffic at maaaring lumobo pa ito sa 6 na bilyong piso.
By: Jelbert Perdez | Cely Ortega-Bueno