Pinagpapaliwanag ng United States Senate Foreign Relations Committee ang embahada ng Pilipinas dahil sa naging pagdiriwang nito ng 120th Independence Day sa Trump International Hotel.
Ayon kay US Senator Bob Menendez, miyembro ng komite, dapat na ipaliwanag ang naging proseso ng pagpili ng pagdarausan ng okasyon gayundin ang breakdown ng kabuuang halaga ng ibinayad para sa pagkain at inumin sa event.
Kinuwestyon ng senador ang naging event dahil idinaos ito sa negosyong pag-aari ni US President Donald Trump.
Aniya, bigo si Trump na talikuran nang tuluyan ang kanyang negosyo kaya’t posibleng nagagamit nito ang posisyon para sa kanyang kapakinabangan.
Bukod sa Pilipinas, kinuwestiyon din ng senador ang mga bansang Azerbaijan, Bahrain, Kuwait at Malaysia sa madalas na pagdaraos ng event at pananatili ng opisyal nito sa naturang hotel.
—-