Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya kayang isugal ang buhay ng mga sundalong Pilipino pagdating sa usapin ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.
Sa kaniyang talumpati kasabay ng ika-120 anibersaryo ng Department of Foreign Affairs, aminado ang Pangulo na kailangan pa rin ng Pilipinas ang tulong ng malalaking bansa tulad ng China para paunlarin ang sandatahang lakas ng bansa.
Hinggil naman sa usapin ng umano’y panibagong pambubully umano ng Chinese Coast Guard sa mga mangingisdang Pilipino sa Scarborough o panatag shoal, naniniwala ang pangulo na barter trade lamang ang nangyaring pagkuha ng mga tsino sa mga huling isda ng mga Pilipino.
Muling iginiit ng Pangulo na gagamitin lamang niya ang baraha hinggil sa pagkapanalo ng Pilipinas sa Arbitral ruling laban sa China sa takdang panahon at tamang pagkakataon.