Hinaharang ngayon sa Judicial and Bar Council ng mga relihiyoso ang nominasyon at ang pagsasalang sa public interview kay Supreme Court Associate Justice Samuel Martirez .
Ito’y para sa iiwanang posisyon ni Ombudsman Conchita Carpio – Morales na nakatakda nang magretiro sa susunod na buwan.
Ayon sa grupo ng mga theologian at evangelical pastors na humaharang sa nominasyon ni martirez, hindi ito dapat maupo bilang Ombudsman dahil sa pagsusulong nito ng quo warranto petition laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Wala anilang prinsipyo at paniniwala batay sa probity si martirez na isa sa mga tinitingnang kuwalipikasyon para sa posisyon ng tanodbayan.