Nagpaliwanag si Pangulong Rodrigo Duterte sa naunang pahayag nito na ibenta sa mga negosyante ang makukuhang lupa ng mga potensyal na benepisyaryo ng planong land reform sa Boracay.
Sa kaniyang talumpati sa ika-120 anibersaryo ng Department of Foreign Affairs, iginiit ng Pangulo na dapat munang unahin ang kapakanan ng mga katutubo sa Boracay bago ang paglalagay dito sa komersiyalismo.
Nais ng Pangulo na maranasan din ng mga katutubo o residente ng isla ang ginhawang hatid ng pina-iral na reporma sa nasabing lugar.