Nilinaw ng Malacañang na hindi pa isinasantabi ng Pilipinas ang papel ng Norwegian government bilang third party facilitator para sa peace talks sa NDF na siyang negotiating arm ng CPP-NPA.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang tinutukoy niya ay ang venue o lugar na dapat pagdausan ng peace talks at hindi na sa Norway kundi sa Pilipinas na.
Nagtataka lamang aniya ang Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit kailangang sa Norway pa gawin ang kasunduan gayung uubra naman ito sa Pilipinas lalo pa’t kapayapaan ng bansa ang pinag-uusapan dito.
Nilinaw ni Roque na pwede pa ring tumulong ang Norway sa peace talks o ano pamang bansang may interes na mamagitan sa magkabilang panig.
Sa susunod na buwan inaasahang babalik sa negotiating table ang panel ng gobyerno at NDF.
—-