May karapatan ang publiko na tumanggi sa imbitasyon ng pulis sa presinto.
Ito ang paalala ng PNP sa harap ng maigiting na kampanya kontra tambay
Ayon kay PNP Spokesman Sr/Supt Benigno Durana, hindi maaaring pilitin ng pulis na isama ang isang tao sa presinto kung wala naman itong malinaw na paglabag sa batas o ordinansa.
May karapatan rin anya ang publiko na tanungin ang mga pulis kung ano ang kanilang nilabag.
Hindi anya sapat na pakitaan lang sila ng video ng Pangulong Duterte na naguutos sa pulis na maging strikto laban sa mga tambay.
Hindi rin anya maaring ikulong sa selda ang mga inimbitahan lang sa istasyon ng pulis.
Payo ng PNP sa publiko, alamin ang kanilang karapatan.
May ginawa anyang mobile app ang PNP na may pangalang “Know your Rights” na maaaring ma-download sa android phones.