Kapwa kontrolado ng Pilipinas at China ang Scarborough o Panatag Shoal.
Ito ang naging pahayag ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, kasunod ng pagkuha umano ng Chinese Coast Guard sa mga nahuling isda ng Pinoy na ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte ay isang barter lamang ang nangyari.
Ayon kay Cayetano, malaya nang makapangisda ang mga Pinoy at Chinese sa nasabing teritoryo dahil parehas ng may karapatan dito ang dalawang bansa.
Sinabi ni Cayetano na nuon ay tanging ang China lamang ang kumukontrol sa Panatag Shoal ngunit dahil sa kontraldo na rin ng bansa ang bahura ay malaya na rin na nakakapangisda rito ang mga Pilipino.