Umarangkada ang isinagawang oral arguments ng Korte Suprema hinggil sa petisyong kumukuwestyon sa ilang probisyon ng family code.
Ito’y may kaugnayan sa hiling ng Lesbians, Gay, Bisexuals at Transgender o LGBT na payagan na ng estado ang same sex marriage sa Pilipinas.
Naging mainit naman ang talakayan sa unang araw pa lamang ng debate kaugnay ng nasabing petisyon kung saan, nagpahiwatig pa ang ilang mahistrado na posibleng mabasura ang petisyon.