Umabot na sa 674 ang nakasuhan dahil sa paglabag sa karapatang pantao.
Ito ay batay sa tala ng human rights affairs office mula Hulyo 2016 hanggang Mayo 2018.
Isinapubliko ito ni PNP Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde kasunod ng mga pangamba na posibleng may paglabag sa karapatang pantao ang kampanya ngayon ng pamahalaan laban sa mga tambay.
Ayon kay Albayalde, 19 na sa nasabing bilang ang natanggal sa serbisyo habang suspensyon at demosyon naman ang ipinataw sa iba.
Samantala, pinakamataas na ranggo naman na nakasuhan dahil sa paglabag sa karapatan pantao ay police superintendent at 31 naman ang mga ranggong police chief inspectors.
Ilan sa mga human violation cases na kinakaharap ng mga pulis ay homicide, illegal arrest with grave threats, paglabag sa police operational procedure, paglabag sa anti-torture act, pangmamaltrato at pang-abuso ng mga preso.