Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ikalawang bahagi ng mga proyekto sa ilalim ng Armed Forces of the Philippines o AFP modernization program
Ayon kay Defense Spokesman Arsenio Andolong, nagkakahalaga ito ng 300 bilyong piso at nakatakdang ipatupad sa loob ng tatlong taon mula ngayong 2018 hanggang sa taong 2022.
Pag-uusapan na aniya ng Department of Defense at ng Department of Budget and Management kung paano popondohan ang nasabing proyekto na tututok sa transition period mula sa internal security operations tungo sa territorial defense
Kabilang dito ang pagbili ng mga towed at self-propelled howitzers, multiple launch rocket system, light tanks, armory vehicles, fire support vehicles, tactical radios at iba’t-ibang mga armas.
Gayundin, nakatakda ring bumili ang Philippine Navy ng mga bagong sasakyang pandagat at barkong pandigma sa ilalim ng nasabing programa.
—-