Muli na namang binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nakakulong na si Senadora Leila de Lima.
Ito’y makaraang batikusin ni De Lima ang ginawang paghalik ng Pangulo sa isang Pinay overseas worker sa South Korea nang bumisita ito sa nasabing bansa.
Sa kaniyang talumpati sa Iloilo City kahapon, sinabi ng Pangulo na mas matindi pa sa kaniya ang ginawa ni De Lima na nakipag-relasyon sa isang lalaking may asawa.
“Sabi niya bastos daw ‘yung ginawa ko. Eh nagpermiso ako, tinanong ko.
“Kung may screen lang kayo dito, ipapakita ko ‘yung X-rated niya. Nakalimutan niya siya ang pinakabastos dito. You forget conveniently that you started the most, pinakabastos na magawa ng isang senador.” Pahayag ng Pangulong Duterte
Giit ng Pangulo, matagal na niyang ginagawa ang paghalik sa mga babae at wala naman siyang malisya sa paggawa nito.
—-