Muling binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga tauhan sa mga paliparan na iwasang masangkot sa katiwalian.
Ito ang inihayag ng Pangulo kasunod ng bagong insidente ng di umano’y tanim bala sa paliparan kamakailan.
Sa kaniyang talumpati sa Iloilo kahapon, sinabi ng Pangulo na hindi siya mangingiming sibakin at ilipat sa ibang lugar ang mga pinuno ng paliparan.
Kasunod nito, muling iginiit ng Pangulo na hindi dapat binubuksan ang bagahe ng mga Pilipino lalo na ng mga OFW na umuuwi ng bansa.
—-