Ipagpapaliban ni Communist Party of the Philippines o CPP Founder Jose Maria Sison ang naunang plano ng National Democratic Front na pag-uwi niya ng Pilipinas ngayong Agosto.
Kasunod na rin aniya ito ng pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanselahin ang nakatakda sanang pagbabalik ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at mga rebeldeng komunista sa Hunyo 28 hangang 30.
Ayon kay Sison, hindi siya uuwi ng bansa hangga’t hindi pa naisasapinal at nalalagdaan ng magkabilang panig ang comprehensive agreement on social and economic reforms.
Dagdag pa ni Sison, sakaling patuloy na hadlangan ni Pangulong Duterte ang pagbabalik ng peace talks, patuloy niya ring ipagpapaliban ang pag-uwi sa bansa hanggang sa araw na mapatalsik ng taumbayan sa puwesto ang aniya’y diktador na Pangulo.
Sinabi ni Sison, sa ngayon kanya pang pinag-aaralan kung babalik siya sa Pilipinas sa Setyembre o Oktubre.
—-