Isang pinoy mula sa United Arab Emirates ang nangongolekta ng mga nagamit nang bola ng soccer upang makatulong sa mga mahihirap na kabataan dito sa bansa.
Ayon sa pinoy na si Mario Salamat, malaking bagay ang soccer upang mahikayat niyang mag-aral ang mga batang nakatira sa San Fernando, Pampanga.
Dahil noong nagtungo raw siya doon at sinubukan niyang turuang bumasa at sumulat ang mga bata ay napansin niyang hindi sila interesado.
Pero noong magdala raw siya ng bola ng soccer at naglaro kasama ang mga bata ay nakuha niya na ang atensyon ng mga ito.
Kaya naman, sa tulong ng kanyang mga kaibigan mula sa Futboleros United, isang community-based football association ay nahimok at natulungan nila ang mga bata na mag-aral.
By: Allan Francisco