Tuloy na ang pagkikita nina US President Donald Trump at Queen Elizabeth sa susunod na buwan.
Ito ang kinumpirma ni US Ambassador to the United Kingdom Robert Wood.
Sa susunod na linggo ay tutulak na patungong Inglatera ang mga ilang opisyal ng White House para maplantsa ang nasabing makasaysayang pagpupulong.
Matatandaang nito lamang buwan nang makapulong naman ni Trump si Korean leader Kim Jong Un para pag-usapan ang planong denuclearization sa Korean Peninsula.
—-