Hinimok ni Philippine National Police o PNP Chief Director General Oscar Albayalde ang publiko na isumbong ang mga pang-aabuso o paglabag ng mga pulis sa pinatutupad na kampanya kontra mga tambay.
Ayon kay Albayalde, sa ngayon kasi ay wala naman silang kahit isang reklamong natatanggap ukol dito.
Sinabi nito na handa nilang pakinggan ang mga reklamo kasabay ng pagtitiyak ng kaukulang pag-aksyon sa mga ito.
Kasabay nito, binigyang diin ng PNP Chief na mahigpit ang kanyang direktiba sa mga pulis na igalang ang karapatang pantao ng bawat indibiduwal.
“Kung merong mga ganyan na hindi namin nakita at lumagpas sa aming atensyon, willing kami na pakinggan ang mga complaints and we’ll have them investigated, in fact sabi ko nga mayroon nang na-relieve because of that.” Ani Albayalde
Ipinabatid ni Albayalde na mayroon na silang nasibak dahil sa maling pagpapatupad ng kampanya kontra tambay.
“These commanders should really have to supervise and control their people, they will be made responsible for the misdeeds of their personnel on the ground, we emphasize that they should exercise sound discretion, kaya nga hindi pinapampas.” Pahayag ni Albayalde
—-