Ganap nang batas ang panukala ukol sa mental health.
Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11036 o ang Mental Health law, isang araw bago ito nakatakdang mapaso bilang batas.
Ayon kay Senadora Risa Hontiveros, sa pamamagitan ng pagsasabatas nito, sakop na ng PhilHealth ang confinement, check up at gamot ng mga mental health patients.
Maliban dito, obligado na rin ang mga ospital na maglaan ng unit na para lamang sa mga pasyenteng may problema sa mental health. Tinatayang nasa dalawang dekada ring isinusulong ng ibat ibang advocacy groups ang magkaroon ng batas na nakatutok sa mental health ng mga Pilipino.
Batay sa datos, pitong Pilipino ang nagpapakamatay kada araw habang isa sa bawat limang adults ang nakakaranas ng mental disorder.