Dismayado ang ilang mambabatas dahil sa mabagal umanong paghahatid ng tulong sa mga apektadong residente ng isla ng Boracay.
Iyan ang inihayag ni House Committee on Natural Resources at LPGMA Party-list Representative Arnel Ty matapos itong iulat ng DENR o Department of Environment and Natural Resources.
Ayon kay Ty, hindi katanggap-tanggap na maliit na halaga ng pondo pa lamang ang nailalabas na ayuda para sa mga taga-isla.
Batay sa ulat ni Labor Assistant Secretary Joji Aragon, tinatayang nasa limang libo (5,000) pa lamang ang na mga residente ng Boracay ang nag-avail sa tulong ng pamahalaan.
Mula aniya iyon sa labing pitong libong (17,000) mga apektadong residente ng isla na nagpalista para sa emergency employment, livelihood projects at trainings.
Lumabas din sa pagdinig ng komite sa kamara na nasa dalawampung (20) milyong piso pa lamang mula sa apatnaraan at limampung (450) milyong pisong pondo ang naipamamahaging tulong ng gubyerno sa mga apektadong residente.
—-