Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na habaan pa ng mga himpilan ng telebisyon ang airtime para sa mga kandidato sa pagkapangulo na ilahad ang kanilang mga plataporma sa mga presidential debate.
Iyan ang apela ng Pangulo nang maglabas ito ng sentimiyento hinggil sa kaniyang naging karanasan sa nakalipas na presidential debates noong 2016 elections.
Ayon sa Pangulo, kalokohan ang isang minuto at tatlumpung segundong time limit na ibinibigay ng mga TV networks sa bawat kandidato na aniya’y lubhang napaka-ikli.
Paki-usap ng Pangulo, mas mabibigyang katuwiran aniya ang mga ilalatag na plataporma ng bawat kandidato kung bibigyan ng sapat na oras ang mga kandidato.
—-