Kumpiyansa si House Speaker Pantaleon Alvarez na maipapasa ang panukalang dissolution of marriage bill bago matapos ang ika-labing pitong Kongreso.
Inihayag ito ni Alvarez matapos ang kanilang naging pagpupulong ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III noong Mayo 28.
Paliwanag ng Speaker dapat na aniyang kumilos ang pamahalaan sa mga failed marriages dahil sa may mga persistent calls na aniya para rito.
Layon ng nasabing panukala na pabilisin ang gawing abot kaya ang pagpapawalang bisa ng kasal na isang alternatibo sa annulment na kadalasang inaabot ng dekada bago mapagdesisyunan sa korte.
—-